WARNING: The content of this post is full of negativity.
Nakakainis! Sobrang nai-irita talaga ako dun sa isang staff na kasama ko dito. As in grabeng bad trip talaga!!! Ngayon lang ako nakapag mura in front of my friend sa buong 9 years na magkakilala kami. Hay!!!
Hindi ko naman dapat sana sasabihin to kaso hindi ko na talaga kaya. Normally, when what I want to say is not positive, hindi ko na lang sasabihin. But I guess this is an exemption to the rule.
Sobrang apektado ako ng issue na 'to kasi hindi ako sanay nang may iniiwasan na tao dahil may misunderstanding kami. Hindi ako sanay na may taong kasama ko ng buong maghapon na hindi ko mawari o malaman kung anong gusto nyang mangyari. Hindi ako sanay na may naiinis sa akin (kung naiinis nga sa akin itong tao na to), at hindi ko gusto na may kinaiinisan ako.
King na lang ang itatawag ko sa kanya.
So ganito yan. Si King, nakilala ko two weeks ago, nung pagdating ko dito sa Brunei. Dumating ako dito ng walang expectations para less disappointments kumbaga, aside from the fact na talagang I don't know what to expect from the trip. I arrived here Sunday then Monday, nakilala ko na sya nung inintroduce ako sa mga empleyado ng kumpanya kung asan ako ngayon. Since afternoon shift ako, talagang everyday magkasama kami dun sa shop, pero di lang naman kaming dalawa, andun rin yung friend ko, sya yung pinaka boss namin. So ayun, from Monday night hanggang Sabado, magkasama kami. Pag pauwi, lagi pa kaming magkatabi sa car, not because we want to pero dahil kaming 2 lang ang nakaupo sa likod.
First 3 days, no problem, medyo civil lang ako dahil di ko pa naman sya kilala. Kina 4th day ko, di nakapunta agad sa shop yung friend ko dahil may pinuntahan sya at kaming 2 lang nitong si King ang nasa shop. Ok lang naman sana, e ang kaso wala nang ibang ginawa kundi maglaro sa computer. Pag may dumating na customers, puro ako ang nag-aasikaso. Hay... syempre di naman ako makapag demand o reklamo dahil bago lang ako tapos medyo may language barrier pa dahil hindi sila straight mag salita ng English. Malay kasi ang salita nila. Pag talagang hindi ko na alam pano i-handle ang concern ng customer, dun na lang ako lumalapit sa kanya. Eto nyan, nung kina-fifth day ko, kinailangan magpunta ng friend ko sa China at magtagal dun ng 5 days dahil walang ibang flight schedule pabalik ng Brunei kundi Martes. Edi, sige, okay lang, ano naman ang magagawa namin dun, diba? So mag-isa ako nyan pumapasok. Pagkarating ng 6pm, maiiwan na kaming dalawa ni King sa shop hanggang dumating yung boss na pamangkin ng may-ari ng company at around 8pm. Since gusto kong mapalapit yung loob ko kay King, and as a token of appreciation na rin sa pagtulong nya sa akin kapag di ko na alam ang gagawin ko sa shop, before he comes to the shop at 6pm, bibili muna ako ng kahit anong makakain like biscuits for the two of us.
Everything was doing well kahit na pag minsan tinotopak sya...moody kasi sya. So ako na lang ang nag-a-adjust, no problem. Pag minsan makakausap mo ng maayos pero pag minsan hindi. Yun ang talagang napansin ko sa kanya. Now, expo came...
Yung expo, sale yun sa mall. The usual, magtatayo ng mga booths then you occupy one to sell your products. Itong expo na to 16days sya so ang haba. First time lang nga din daw nila mag attend ng ganito katagal na expo. Hindi naman daw dapat sila mag-a-attend dito since hindi computers ang showcase ng expo, pero dahil andito ako at dumating din ang kapatid nung may-ari ng company from Malaysia to see how things work, nakipag deal sila at eto, nag attend nga. September 26, night before the expo, 6pm, andun na kami sa mall at nagse-setup na ng booth namin at ng mga products. Inabot kami dun ng mga 11pm. Itong gabing ito, di ko sya nakausap. Nung nag dinner kami, bumili lang ng KFC, hindi sya sumabay kumain sa aming lahat. Eh knowing me, may concern sa lahat, edi inayos ko pa rin yung food nya. Sabi ng friend ko, ganun daw talaga sya, pag trabaho, trabaho. Pag tapos na nya yung kailangan nyang gawin, dun lang sya titigil talaga. Wow. Hanggang sa natapos ang gabi, di kami nakapag usap (usap, i mean bati lang, like.. hi...how are you?), mga ganun lang. Kinabukasan, 7am, andun na kami ulit sa mall for the final setup of our booth. That day, nakausap ko pa sya ng matino. Sabi ko sa kanya..."Hey, it's good to see you smiling again. Last night, you didn't smile at all because you were too busy in setting up the cameras." Then sabi nya.."Really? I didn't notice that. (Laughs)"
The next day, Friday, dito talaga nagsimula lahat lahat. Kahit hindi ko talaga alam kung anong simula ng issue na to. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga alam ang rason. Anyway, itong day na to, meron akong waffles. I asked him and my friend if they want, separately ko sila tinanong kasi di naman sila magkasama. Yung friend ko, she's the cashier. Sya, dun sya sa labas ng booth. When I asked him, he said, "No, I already ate. Ask the others if they want." Okay, edi yun. Simple. Eh hanggang kinagabihan, hindi ko pa rin nakain yun dahil busy. Then may isang time na nakaupo sya dun sa may area ng friend ko with my friend and I asked something. Eh ang ugali ng taong ito pag di mo sya makausap ng maayos, magkikibit balikat lang at sasabihing "I don't know." Sabi nga ng kaibigan ko, pinag-awayan na rin nila itong ugali nyang ito. Diba nakakabastos kasi yun?????
Hay, ayun, na bad trip talaga ako, pero ayun nga, hindi kasi ako yung tipo ng tao na magpapakita ng hindi magandang ugali hangga't maaari at hanggang nakakapag pigil ako. Pero at that time, sabi ko sa kanya, "Okay, then I won't be talking to you again." Aba, ang gago, hanggang ngayon di nga ako kinakausap!!?!??!!! Sira ulo tong taong to yata. Napaka immature. Eh yung sinabi ko na yun, nung okay na kami sa isa't-isa dahil nga 5 araw kaming magkasama na kaming 2 lang sa shop, naging magkabiruan na kami.
Ewan ko kung yung sinabi kong yun ang reason kung bakit nag umpisa ang kung anumang kabaliwang ito. Until now, we don't talk to each other. Pero ako, eto, umiiral ang pagiging martyr. Kahapon, I tried to greet him, saying "Hey" at sinabi ba naman sa akin "I don't know" tapos biglang talikod at umalis! Di ba naman talaga unggok itong taong to?! Edi, okay, fine, bahala ka sa buhay mo! Kanina naman, before we went home, dahil tinatakpan namin ng telon yung buong booth tapos tatalian ng mga alambre, kumuha ako ng isa at hinintay syang maka-alis sa pwesto nya dahil sa may paanan nya yung tatalian ko. Kaso natusok ako nung alambre so di ko tinuloy yung pagtali. E pagkatapos nya, naghahanap sya ng alambre, so since hawak ko pa yung akin, I gave it to him na lang. Aba naman ang hinayupak, dinedma ba naman ako at pumutol dun sa naka-ikot pa na wire! Ano ba namang klaseng ugali yun diba? At dun na talaga naghalo ang balat sa tinalupan. Anong ginawa ko? The worst thing I could have done, of course! At ano yun? Yung hawak kong kapirasong alambre, tinapon ko sa sahig, sabay sabing "Edi wag!" Hahaha!!! Pero seriously, alam ko hindi nakakatawa yun and I should have done something more (worse) dahil deserve naman nya pero di ko talaga kaya. Wala ata talaga sa pagkatao ko ang magpakita ng ganung ugali sa ibang tao. Ewan ko nga ba talaga! Gustong-gusto ko na syang umbagin pero yun lang talaga ang nagawa ko. Kelan kaya ako magbabago? :(
Nakakainis talaga!!! Ayan tuloy, lampas nang 1:30 ng madaling araw, gising pa ko samantalang 5am pa lang, gising na ko kaninang madaling araw at 3 hrs pa lang ang tulog dahil 2am na kong natulog the other night.
Anyway, ok na sana eh, ang kaso naman, diba nasa labas sya ng booth naka station? - Everytime na mapapatingin ako sa kanya, nakatingin sya sa akin. Tapos pag tinitingnan ko sya, mahuhuli ko na tumitingin sya sa akin, tapos yuyuko na lang ako nun. But of course, work is still work so kung kailangan magkausap kami, edi mag-usap, lalo na pag maraming tao at nasa cashier ako at may customer sya na magbabayad. Kaso baliw talaga ata ang taong to, pag binalik ko na sa kanya yung item to be given to the customer at kasama ang receipt at sukli kung meron, aba, ang loko, he'll make sure that our fingers won't touch! GGGGRRRRRRR!!!!!!!!!!!! Tapos pag nasa loob ako ng booth sa left side, he'll make sure na wala sya dun. Pag kailangan nyang pumasok, hihintayin muna nya akong umalis o lumabas. Pag may isang customer na kaming 2 ang napagtanungan, he doesn't look at me in the eye. Like for example may isang product na kailangan ibalik sa original box at hindi nya kayang mag-isa, at tutulungan ko sya, hindi nya ko kakausapin or titingnan man lang.
Ano ba 'to? Pag minsan naiisip ko, baka may gusto sa akin 'to dahil lagi ko syang nahuhuli na naka tingin sa akin, pero bakit naman kapag malapitan, ang pangit ng pinapakita nyang ugali? (but then again, imagination ko lang siguro 'tong iniisip kong ito..hahaha!!!!) Tapos pag may ina-assist ako na customer, aba ang buwisit na 'to, pinapanuod ako! Para bang he's waiting na magkamali ako or something...or tinitingnan kung pano akong mag explain sa customer ng mga products namin na ewan. Haya..grabe!!! Sya na so far ang pinaka complicated na taong nakilala ko.
Bukas, ( i mean mamaya pala, since 1:52am na at magkikita nanaman kami ng 11am at magkasama kami hanggang around 10:30pm), hindi ko nanaman alam kung ano ang mangyayari sa amin. Kung anong klaseng iwasan nanaman ang mangyayari. Pero I'll do my best na wag nang magpa-apekto. Tutal two weeks na lang naman akong magtitiis sa ugali nya at uuwi na ko ng 'Pinas. Hay, salamat....pero mami-miss ko pa rin siguro ang unggok na 'to... pero on the other hand, wala na akong expectations ulit. I came here without any, I'm leaving without any, as well.
Ayan, ok na ako. Tara, tulog na tayo.
Sunday, September 30, 2007
Monday, September 24, 2007
I'm Starting To Grow Wings!

I'm back!
It's been a while since I signed in to my Blogger account. More than a month, in fact. I've had access to the Internet for more than a week now but I can't get myself to click the Sign In link since then. Maybe because I'm afraid I could blunt out everything I'm feeling and others might know. You know me, I'm someone who would always think of how others may feel as a result of my actions so most of time, my words and deeds are limited.
So leaving that topic for a while, I just want everyone to know that I'm still alive and kickin', but I've been busy lately, including the next three weeks to come (and most probably after that.) I am now in Brunei and will be staying here for two weeks more, though I'll be going to Malaysia maybe this Saturday or Sunday then I'll go back here to finish the rest of the two weeks.
Chicken. What's with it? I've been eating it for quite some time now.
Last night, the niece of an acquaintance who I live with here, knowing that I didn't go out of the house the whole day, brought Chickenjoy for me. The day before yesterday, I had Buttermilk Chicken for lunch. The day before that, Chickenjoy. The day before that, Roasted Chicken, the day before that, Chickenjoy. The day before that, I had chicken with vegetables. Today, I had chicken curry!
I think I'm starting to grow wings.
Why chicken? That's their main meat (I guess...Brunei being a Muslim country do not have pork and have very limited beef). I was surprised to learn that even Jollibee here has Chicken Curry! Hehehe.. and Chicken Tocino.
So am I okay? No. Why? That, I'm afraid, is another topic that I may not be discussing here.
Pictures? I'll upload them once I have them with me.
Subscribe to:
Comments (Atom)