Hong Kong.
Minsan, nakapunta ako sa bansang ito. Sabihin nating isang business trip yun. Pinapunta ako doon para magkaroon ng inspiration para makagawa ng mga bagong designs para sa mga clients namin. Dati kasi nagtatrabaho ako sa isang plastic manufacturing corporation at isa sa mga trabaho ko (na wala naman sa job description ko) ay gumawa ng designs at ipakita sa mga clients kung approved ba sa kanila. Madalas para sa mga bakeries yung mga plastic, halimbawa Cindy's, ganun.
Hindi naman talaga business trip dapat yun. Gusto kong yun lang ang itawag ko. Singit lang kasi ako noon. February 14, 2003 yun. Gets nyo na ba? Oo, Valentine's Day nga yun, hindi kayo nagkamali. Regalo yun ng boss ko sa asawa nya. Pero di ako yung asawa nya ha? Baka kasi isipin nyo dahil ako ay kasama nun, ako na yun. Hindi. Ako kasi yung general secretary ng asawa nung boss namin kaya isinama na rin ako at dun na nga nagsimula ang "business trip" na yun. Kasi puro..."Joy, punta ka nga sa bakery na yun, tignan mo yung mga designs nila. Tingnan mo kung may makukuha kang inspiration...."
In fairness, ang gaganda nga naman ng mga designs ng mga cakes, tinapay, atbp. Parang kung ikukumpara mo sa mga normal na plastic dito sa atin, first class, kumbaga yung mga nakita namin dun.
Masaya yung trip na yun kahit wala na kaming ginawa kundi maghabol ng MTR. Tapos hindi naman ako maka gala ng mag-isa. Kung saan sila, dun din ako. Walang "punta po muna ko dito..punta po muna ko dun." Pag nakakabasa nga ako ng mga articles tungkol sa bansang yun, naiisip ko kung worth it ba yung pagpunta ko dun kasi ang dami ko naman palang na-miss na mga tourist spots. Pero oo nga pala, business trip nga pala kasi yun. Bakit ko ba laging nakakalimutan?
Binigyan ako nun ng boss ko ng kasing halaga ng isang buwan kong sweldo para ipang-shopping ko. Or ang usapan ay kasing halaga dapat nun, at nung mga panahong yun, P10,000 ang sweldo ko sa isang buwan. Ang kaso, HK$1,000 lang ang binigay sa akin. HK$1 = PHP7 kaya kung susumahin natin, PHP7,000 lang ang halaga ng ibinigay sa akin. Ang kaso dito ako nagka problema at talagang sobrang nainis kaya't natawag kong kalbong intsik ang boss ko! Ikaw ba naman, may amnesia ata sya at pinipilit nyang halagang P10,000 ang ibinigay nya sa akin samantalang napakalinaw na HK$1,000 lang ang iniabot nya at nasa tindahan pa kami ng Giordano nang ibigay nya yun. Hay nako, nabuwisit ako talaga. Pero kalimutan na muna yun...isa pa, sa puntong ito ng paglalakbay namin, hindi ko pa naman alam na sasabihin nyang ganun kalaki ang binigay nya. Pagkauwi kasi namin dito sa Pinas, dun nya lang binanggit yun.
Basta, ayun, nung unang araw namin dun, punta kami sa Toys R Us at super bili ako ng mga laruan para sa kapatid at mga pamangkin ko. Bumili din ako dito ng stuffed toy na aso. Ang ganda ganda nun. Mahilig kasi ako sa mga huggables - big pillows, stuffed toys, etc. Kain kain lang din kami pagkatapos namin dun. Tapos kinabukasan, ayan, ala-sais pa lang ng umaga, gising na kami, naligo, lumabas para mag almusal at dun ako naipakilala sa mga milk tea. At instantly na-inlove ako! Ang sarap pala ng tsaa na may kasamang gatas. Mainit man sya o malamig. Tapos nagulat ako kasi ang lakas kumain ng mga tao dun. Ang aga pa lang, isang malaking serving na ng rice/noodles ang kinakain nung mga kasabay namin sa restaurant. San kaya nila dinadala yung kinakain nila, e kasi ang pa-payat pa rin nila kahit malakas sila sa pagkain. Shopping na kami dito nyan. Syempre, ang maganda lang e kailangan mong pumunta talaga sa iba'-ibang mga kainan at tindahan para makita yung packaging nila at designs ng mga plastics, wrappers, boxes. Nagpunta rin kami sa Ocean Park. Mag-e-enjoy na sana ako kaso ayun nanaman, hindi naman ako makaalis sa pagbuntot-buntot sa mga boss ko kaya ang dami kong hindi nakita. Sayang.
Tatlong araw lang ang itinagal namin dun sa magandang bansa na iyon. Sa pagod ko, nakatulog pa nga ako sa shuttle nung papunta na kami ng airport kaya ginising pa ako ng tourist guide namin. Hahaha! Ikaw ba naman ang wala nang ginawa kundi maghabol ng MTR, tumakbo, maglakad ng maglakad at maglakad, hindi ka ba mapapagod? At sya nga pala, naging yaya pa ako ng anak ng mga boss ko kasi kasama nila sya, e bata pa, 8 years old ata nun or 7 kaya inaalagaan talaga. Palagay ko nga kaya nila ako isinama ay para may magbantay sa bata. Madami rin akong nabili - damit para kay kuya ko at underwear para sa kanya, sa kapatid at tatay ko. Kurbata para sa tatay ng boyfriend ko, mga laruan para sa mga pamangkin ko, limang bags (hindi naman ako mahilig sa bag, diba?), palda para sa akin at sa nanay ko, damit din para sa boyfriend ko, pagkain, tissue (pati ba naman ito? hehehe) yung stuffed toy na doggie at si Snoopy! Kaya sa plane, bitbit ko tuloy si Snoopy. Ang laki kasi nya. Pero okay lang. :)
Hindi ako nakabili ng sapatos kasi walang magandang design nung time na yun. Patapos na kasi yung mga sale kaya ubos na. Gusto ko rin sanang bumili ng relo, pabango, pagkain, marami pang damit at sapatos ang kaso naisip ko $1,000 nga lang pala ang pera ko no? Kaya wala, hanggang panaginip na lang yun.
Ilang taon na rin ang lumipas mula ng makatungtong ako sa bansang iyon. Maganda, malamig, masaya, madaming mabibiling pasalubong. Sana nga makapag ipon ako muli para makabalik naman ako dun.
Sama kayo nun ha? Diba mas masaya? ^_^
No comments:
Post a Comment