Tuesday, July 31, 2007

Walo - Walo Din

Ngayon naman, ako ang tinag ni Kuya (o ate ba?) Donnel upang gumawa ng walong impormasyon ukol sa sarili ko. Sinabi rin nya na kailangan ilagay ko muna ang mga patakaran kaya eto na yun.

-Each player must post these rules first.

-Each player starts with eight random facts/habits about themselves.

-At the end of your blog, you need to choose eight people to get tagged and list their names.

-People who are tagged need to write on their own blog about their eight things and post these rules.

-Don't forget to leave them a comment telling them they're tagged, and to read your blog.

Kaya't eto na ang walong impormasyon ukol sa akin.

1. Obsessed ako sa Hong Kong. Gusto ko talagang bumalik dun at maglakbay pa sa iba't-ibang bansa para malaman ang kultura nila (at syempre, para mag shopping).

2. Iyakin ako. Papanoorin mo ako ng cartoons, comedy, romance, action, lahat yan pag mag part na malungkot, sigurado iiyak ako.

3. Hindi ako nanonood ng horror movies. Ni ayaw kong makarinig ng mga sound effects nila. Wag na nating gaanong i-elaborate ito, okay?

4. Sweet at maalalahanin ako. Pag minsan sumosobra. Kaya may mga taong nagpapasalamat na naging babae ako kasi kung nagkataon daw, malamang ay palikero ako at marami akong babaeng paiiyakin. (isipin mo naman yun, no?)

5. Minsan na akong lumuhod sa harap ng isang lalake para itanong ang... "Will you marry me?"

6. Marunong akong humingi ng tawad at aminin ang kasalanan ko.

7. Makakalimutin ako. Ay, sobra! (example: alam kong naiinis ako sa isang tao. mahigit isang taon akong naiinis sa kanya. (bad, no? lol) at last year lang ito ha..kanina, kausap ko sya at naisip ko, nakalimutan ko na pala kung bakit ako naiinis sa kanya ng mahigit isang taon! ggrr...)

8. In love ako. Kanino? Kay Jimmy Alapag. di nyo sya kilala? Yung PBA player sa Talk N Text. Dapat kasi nauna nya kong nakilala bago si LJ Moreno. (o, walang kokontra).

Eto ngayon ang problema ko. Na-tag na lahat ng contacts ko. Wala na kong ibang alam na i-tag pa kaya pass muna ko..

1 comment:

Arianne The Bookworm said...

jimmy alapag & tintin forever!! hihihi.. miss u na sis!